CHR nababahala sa pagkakasakdal ni Cimatu

CHR nababahala sa pagkakasakdal ni Cimatu

December 21, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Miyerkules ang pagkabahala sa conviction ni Baguio-based journalist Frank Cimatu dahil sa kanyang Facebook post ukol kay dating Agriculture secretary Emmanuel “Manny” Piñol, at sinabing ginagamit ang cyber libel upang sugpuin ang freedom of the press.

Kaya naman, nanawagan ang CHR sa mga mambabatas na iproseso ang Senate Bill 1593 o ang Decriminalization of Libel Act na inihain ni Senator Risa Hontiveros, at sumang-ayon na “libel laws have been used and abused by private parties to advance their various interests, and by public personalities to shield themselves from public scrutiny, even on matters of public concern.”

Sinabi nito na ang pagkakasakdal ni Cimatu, na nahatula ng QC RTC Branch 93 na guilty beyond reasonable doubt sa cyber libel sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012, way isang halimbawa kung paanong ginagamit ang libel laws upang targetin ang mga kritiko ng pamahalaan.

“[CHR] expresses its concern on how cyber libel has been recently used to suppress press freedom and threaten the right to free expression. The conviction of journalist Frank Cimatu for his social media post five years ago against then-Secretary of Agriculture Emmanuel Piñol is the most recent case of a pattern of legal actions targeting critics of the government,” pahayag nito.

Nagmula ang kaso sa post ni Cimatu sa Facebook noong 2017 ukol kay Piñol.

Sinabi ni Cimatu na pribado ang post dahil inilathala ito para makita ng Facebook friends niya lamang. Subalit, sinabi ng korte na immaterial ito dahil ginawa ang gamit ang “public” setting.

Sinintensyahan si Cimatu ng minimum imprisonment na anim na buwan at isang araw at maximum imprisonment limang taon, limang buwan at 11 araw, at inatasan na magbayad kay Piñol ng P300,000 para sa moral damages.

Nagpaalala naman ang CHR sa pamahalaan na may obligasyon ito na protektahan ang karapatan ng mga tao sa freedom of opinion at expression bilang State party sa International Covenant on Civil and Political Rights.

“When these rights are compromised, especially for journalists and critics, the government also cripples one of its informal feedback mechanisms that serve to inform and improve government policies and decisions,” anito.

Sinabi pa ng CHR na ang pinakaresponsableng paraan para tugunan ng mga politiko at opisyal ng pamahalaan ang mga kritisismo ay sa pamamagitan ng open discussions at transparency, at hindi pagsasampa ng kasong libel.

Iminungkahi rin nito ang approach kagaya ng suhestiyon ng Office of the United Nations High Commissioner on Human Rights– na dapat magtalaga ng mga alituntunin upang ang lawful efforts na nakadirekta laban sa libel ay tumutok sa pagtatama ng maling impormasyon, sa halip na pagkakasa ng legal restrictions.

“Still, the CHR understands that the decriminalization of libel requires careful deliberation. Though libel can be weaponized against free expression, laws against libel remain one of society’s safeguards against disinformation. The discourse over this bill should thus encompass not only the mentioned rights; it must remain mindful of facts and truths,” ayon sa CHR.

“Freedom of expression and the prevention of the spread of disinformation both contribute to human rights and must not be seen as conflicting values,” patuloy nito.

Umaasa din ang CHR na ikokonsidera ng Court of Appeals ang kanilang pahayag sa paghawak sa kaso ni Cimatu. RNT/SA