Malawakang brownout sa maraming lalawigan, iimbestigahan ni Tulfo

August 6, 2022 @5:00 PM
Views:
108
MANILA, Philippines- Nakatakdang maghain ng isang resolusyon si Senador Raffy Tulfo upang paimbestigahan ang malawakang brownout sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang ang matagal nang inirereklamong problema sa kuryente sa Oriental Mindoro.
Sa kanyang programang “Wanted sa Radyo,” kinastigo ni Tulfo ang mga opisyal ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) at Department of Energy (DOE) matapos ang magreklamo ang ilang consumers sa hindi pa nareresolbahang brownout at hindi makatuwirang halaga ng singil sa kuryente sa naturang lalawigan.
Aniya, bilang chairman ng Senate committee on energy, nakatakda siyang maghain ng resolusyon upang imbestigahan sa tulong ng lehislasyon, ang ugat ng problema sa elektrisidad sa lalawigan at pananagutin ang sinumang opisyal sa paghihirap ng mamamayan.
“Mahigit dalawang dekada na yang problema sa ORMECO. Ang lubos na nahihirapan diyan ay ang mga consumers – tulad ng mga taong nasisiraan ng appliances at mga estudyanteng nahihirapan mag-aral dahil walang ilaw. Ang pinakamalala pa sa sitwasyon na ito ay palagi na ngang brownout, mataas pa ang singil sa kuryente,” aniya.
“This is unacceptable! No amount of excuses will justify the negligence of ORMECO,” giit pa ng senadora.
Kinuwestiyon ang isang Kooperatiba na nag-iisang distributor ng kuryente sa lalawigan.
“Maaari siguro na ang problema ay tumagal lamang ng anim na buwan hanggang isang taon, pero yung abutin na ng higit dalawang dekada? Ibang usapan na iyon. Mayroon nang naging pabaya dito, at aalamin natin yan sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon sa Senado. Ipapatawag natin hindi lamang ang miyembro ng ORMECO, kundi pati na din ang mga opisyales mula sa DOE at ERC,” ayon kay Tulfo.
Sa episode ng “Wanted sa Radyo” nitong Agosto 5, nakatanggap ng reklamo si Tulfo mula kay Bern Josep “Bekimon: Persia na nakararanas sila ng brownout sa lalawigan na tumatagal ang 12 oras araw-araw at bawat lipas ng araw, lumalala ang problema.
Ikinatuwiran ni Engr. Humphrey Dolor, Ormeco General Manager, na may isyu sa independent power supply na siyang dahilan kung bakit tuloy-tuloy ang brownout sa lugar na isang “dahilan” na ikinainit ng ulo ng mambabatas.
“Two decades ago, palagi na lang bang may problema sa independent power supplier? Heck no! Hindi dahilan yan. Hindi na problema ng consumers yan na nagbabayad ng kanilang bills nang tama. Dapat nabibigyan sila ng tamang kuryente,” aniya.
Kinastigo pa ni Tulfo si Dolor matapos kumpirmahkn ni Mario Marasigan, Director of Electric Power Industry Management Bureau, na nabigo ang ORMECO na tuparin ang rekomendasyon ng DOE upang lutasin ang problema sa brownout.
“Nakakagalit ang ganitong kapabayaan dahil matapos sanang hindi masunod ang unang rekomendasyon ng DOE, na-sanctionan o naparusahan na dapat agad ang mga personalidad sa likod ng Ormeco. Bakit kailangang paaubitin pa sa final recommendation? Hindi na sana ganito karami ang nagdusang consumers kung una pa lamang ay naaksyunan na ito ng DOE at ibang concerned agencies,” aniya.
Aniya, kundi kayang resolbahan ng DOE officials ang problema, dapat magbitiw na sila sa tungkulin.
“Do your job right or resign,” giit ni Tulfo.
Tiniyak ni Tulfo na hindi lamang problema sa Mindoro ang iimbestigahan ng Senado kundi sasakupin din ang brownout sa iba pang lalawigan.
“Lahat po ng mga palaging brownout na mga lugar, meron na po kaming listahan. Lahat po iyan bibigyan namin ng solusyon. Lahat ng electric company na supplier ninyo ipapatawag po namin sa Senado,” aniya.
Kabilang sa nakararanas brownout ang Oriental Mindoro, Nueva Ecija, Northern Samar, Pampanga, San Jose, Nueva Ecija, Batangas, Negros, Quezon Province, Tabuk, Kalinga, South Cotabato, Maguindanao, Ozamis, Lumban, Laguna, San Isidro, Nueva Ecija, Zamboanga, Pangasinan, Tarlac, Marinduque, Camarines Norte, Echague, Isabel, Calaca, Zamboanga Sibugay, Masbate, Davao Oriental, Southern Leyte, Casiguran, Aurora at Bicol. Ernie Reyes
Cesar, hinulaang hahakot ng best actor award sa Maid in Malacanang!

August 4, 2022 @10:01 AM
Views:
177
Manila, Philippines – Ginagampanan ni Cesar Montano ang papel bilang dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos sa pelikulang Maid In Malacañang.
Maganda ang feedback sa pagganap ni Cesar sa naturang pelikula na pinamahalaan ni direk Darryl Yap. Base sa mga nakapanood, muling nagpakita ng husay ang aktor na tulad ng level ng galing nang gampanan niya ang papel nina Gat Jose Rizal at Andres Bonifacio.
Stand out dito si Cesar lalo na sa mahahaba niyang eskena kina Diego Loyzaga, Christine Reyes at Ella Cruz, na gumanap bilang Bongbong, Imee, at Irene, respectively.
Maraming nakapansin sa mahabang eksena at linya niya sa tatlong co-actors dito, na ayon kay direk Darryl ay umabot ng seven minutes each. Ngunit kahit mahaba ang mga dialogues sa naturang eksena ay nagawa nila ito with flying colors, ‘ika nga.
Hindi lang manonood ang pumuri sa husay ni Cesar, kahit si Direk Darryl ay saludo sa performance ng aktor.
Saad ni Direk Darryl, “Sa lahat ng eksena ni Cesar Montano, lahat iyon ay one take at hindi ako sumisigaw ng cut. Ang cut ko ay palakpak na, iba talaga, mahusay talaga (si Cesar).
“Sabi ko nga sa kanila, kapag Cesar Montano talaga – dahil ako ay laking teatro, I want it to be well rehearsed before I shoot it, so that I can only shoot it once. Si direk Buboy, talagang ito lang, talagang one take, hindi ako nagsayang ng koryente kay Cesar Montano. Talagang ang galing… Iba, iba ang Cesar Montano, napakahusay, napakahusay niya rito sa pelikulang ito.”
Isa sa aabangan din sa pelikula ang special participation ni Robin Padilla, ang numero unong senador sa nakaraang national elections.
Sa ending ng pelikula ay malalaman din ang identity ng three maids na gumanap sa pelikula na kabilang sa mga source ng mga impormasyon na inilahad dito.
Produced by VIVA Films, ito ay isang family drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution. Kasama rin sa pelikula sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.
Ayon sa ilang mga movie experts, malamang ay humakot na naman ng beat actor award si Cesar sa pelikulang ito. Nonie Nicasio
TRIAL BY MARITES Part 5 (The Casualties of NISP)

August 2, 2022 @7:24 PM
Views:
55
SA kolum na ito, shout out sa mga bumubuo sa National Inspectorate Scholarship Program (NISP) ng TESDA sa pamumuno ni Emily Q. Tesoro at mga miyembro nito na si Hannah Eunice Z. Grabillo, Mary Angeline I. De Angel at Ramon Nikki R. Ramoso.
Welcome kayo na kontakin kami tungkol sa sandamakmak na reklamong ipinarating sa amin ng maraming tech voc schools tungkol sa mga iligal na pamamaraan ng NISP.
Sana ay ipaliwanag ninyo sa madlang pipol ang legal basis ng inyong mga ginagawa, ang inyong sistema ng operasyon at kung saan nanggagaling ang inyong budget.
Ang iba sa tech voc schools ay naghain na ng reklamo sa pamamagitan ng kanilang position papers at ang iba ay nasa ibat ibang stages ng mga kasong inihain na o ihahain pa laban sa iligal na pamamaraan ng NISP.
Ang NISP ng TESDA sa panahon ni Secretary Isidro Lapeña ay nagdulot nang di matawarang pinsala sa tech voc sector.
Dahil sa iligal na pamamaraan nito ng pagkalap ng mga ebidensya laban sa tech voc schools na aming tinalakay sa mga nakaraang kolum, halos 100 tech voc schools na ang naipasara at nagsara.
Kung halimbawa na lang ang bawat isang school ay magkakaroon ng 3,000 students sa isang taon, that would be at least 300,000 prospective students na na-deprive makapag aral ng libre o training mula sa TESDA at magkaroon ng pagkakataon na baguhin buhay nila.
Sa pagsasaliksik na ginawa namin, ang nagsarang schools ay nalugi at ang mga tauhan nito ay nawalan ng trabaho.
Iyong mga may-ari naman marami ang nagkasakit sa puso, high blood at iba pa dahil sa matinding emotional distress and gabing hindi makatulog.
Dahil sa militaristic na pamamaraan ng NISP at sa pagsawalang-bahala nito sa ating constitutional rights for due process at sa constitutionally guaranteed na suporta sa edukasyon, ang lugi ay ang taumbayan.. Di lang yan, marami ring opisyales ng TESDA ang natanggal, nagresign o biglang nag-retire dahil sa mga kabalbalang likha ng NISP.
May district directors, provincial directors, regional director at isang deputy director general ang apektado at pati ang mga matitinong opisyal ng TESDA ay apektado at walang magawa sa nakaraang administrasyon.
Demolisyon sa mga sirang istraktura, iniutos sa Kabite

August 2, 2022 @11:10 AM
Views:
93
CAVITE – Inatasan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang Provincial Engineers Office nitong Lunes ang ‘Oplan demolisyon’ sa lahat ng mga sirang istraktura sa buong lalawigan para hindi na maulit pa ang nangyaring pagguho ng tulay ng bakal na ikinasawi ng 8 kabataan kamakailan.
Ayon kay Remulla, labis niyang ikinalungkot ang naturang trahedya, kaya kahapon (Lunes) ay unang tinanggal ang lumang bakal sa Barangay Sampaloc 4 Dasmariñas City, Cavite na itinayo noong pang 1945.
Aniya, inatasan na niya ang Provincial Engineers Office na tipunin ang lahat ng mga municipal at city engineers at ibigay ang mga report ng mga istrakturang sira ilalim ng kanilang hurisdiksyon para sa gagawing demolisyon.
Dagdag pa ng gobernador na matagal na dapat inalis ang naturang tulay kung hindi lamang dumaan ang pandemyang COVID-19.
“Let us learn our lessons. Let us be better because of our shortcomings and mistakes.”, ani pa ni Remulla. Mary Anne Sapico
2 HVI tiklo sa Navotas buy-bust; P1.3M shabu, nasabat

August 1, 2022 @1:12 PM
Views:
91