CHR offices, sarado ‘gang Enero 21 vs COVID-19

CHR offices, sarado ‘gang Enero 21 vs COVID-19

January 15, 2022 @ 3:37 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Human Rights (CHR) ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga tanggapan sa Quezon City upang bigyang-daan ang contact tracing sa hanay ng mga personnel at indibiduwal na nagkaroon ng transaksyon sa tanggapan kasunod ng tumataas na COVID-19 infections.

Sa ipinalabas na CHR advisory, araw ng Sabado, sinabi ng CHR na ang physical reporting ng mga tanggapan nito sa Central office, National Capital Region, at CHR Region IV-B ay pansamantalang suspendido mula Enero 17 hanggang 21 upang bigyang-daan ang contact tracing.

Gayunpaman, sinabi ng komisyon na mananatiling bukas ang kanilang official social media accounts upang matugunan ang mga hinaing at concerns ng publiko.

“The CHR hotlines and other reporting channels, including our social media accounts, shall continue to be open and ready to attend to your concerns. Please stay tuned for updates. Thank you and keep safe as well as healthy,” dagdag na pahayag nito.

Inilagay ng gobyerno ang Kalakhang Maynila at 50 iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 16 hanggang 31 sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19. Kris Jose