CHR: ordinansa kontra diskriminasyon sa Iloilo vs LGBTQ ipinaalala

CHR: ordinansa kontra diskriminasyon sa Iloilo vs LGBTQ ipinaalala

August 10, 2020 @ 1:39 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa Assumption Iloilo na nagpasa ang lungsod ng ordinansa na nagbabawal kaugnay sa diskriminasyon sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community.

Ayon sa CHR, ito ay kasunod nang natanggap nilang balita na itinuturing na pagiging imoral ang homosexuality na nakatala sa kanilang handbook para sa mga empleyado at mag-aaral.

Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia, nagpasa ang lokal na pamahalaan ng Iloilo ng resolusyon kung saan itinuturing na diskriminasyon ang hindi pagtanggap ng mga estudyante dahil lamang sa kanyang kasarian.

Aniya, dapat maparusahan ang nasabing paaralan sa kanilang ginawa.

“According to Section V of the same ordinance, any person who commits any of the acts prohibited shall be criminally liable and penalized accordingly and in the case of a juridical person, whether public or private, the manager, head and the officers thereof shall also be criminally accountable and responsible without prejudice to other liabilities, if any,” saad ni De Guia.

Dagdag pa nito, dapat maging responsable ang mga religious educational institution sa mga estudyanteng kabilang sa LGBT community.

“Assumption Iloilo, in adopting a definition of immorality that includes homosexuality, is complicit in discriminating children of diverse SOGIESC and runs counter to the notion that schools are safe spaces,” ani De Guia. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...