CHR, PCW: Pangmanyak na prank videos, talupan!

CHR, PCW: Pangmanyak na prank videos, talupan!

August 14, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kapwa nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) at Philippine Commission on Women (PCW) sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na imbestigahan ang content creators na gumagawa ng pranks na maaaring lumabag sa batas laban sa sexual harassment.

Sa magkahiwalay na kalatas, sinabi ng dalawang komisyon na nakatanggap sila ng report na may ilang videos kung saan may mga kalalakihan ang naglalagay ng hidden cameras at sinasabing isa lamang prank — ilalagay ang kanilang ulo sa hita ng unsuspecting female strangers, hahawakan ang kamay nito, sisipulan o kaya naman ay hihingi ng halik at magbibigay ng ilang dahilan.

“The Commission on Human Rights finds it gravely disturbing that, in pursuit of clout and increased engagement, some content creators would resort [to] pranks that violate a number of human rights, including right to privacy, security, and safety, especially of women and members of the LGBTQIA community,” ayon kay CHR Executive Director Atty. Jacqueline Ann de Guia.

Kapuwa naman nagbabala ang dalawang ahensiya na ang nasabing videos ay “tend to normalize gender-based violence by depicting unwanted sexual advances as acceptable and even entertaining.”

“Worse, some generate income from doing tricks that people want to see on video, banking on subconscious desires that must not be manifested, click baits, and trends,” ang nakasaad naman sa kalatas ng PCW.

Pinaalalahanan naman ng dalawang komisyon ang publiko na sa ilalim ng Republic Act No. 11313, o Safe Spaces Act, “any unwanted and uninvited sexual actions or remarks in public spaces against a person may be considered a criminal act, regardless of the motive.”

Sinabi pa ng CHR na bukod sa mga awtoridad, ang social media platforms ay mayroong obligasyon na pigilan ang anumang paglabag mula sa pagpapatuloy at hinahayaan na contents na nagpo-promote ng sexual abuse.

“We hope that we do not take incidents like these lightly because human rights are at stake,” ayon sa CHR sabay sabing “Human rights violations, even those masked by humor, remain to be manifestations of violations and abuse, and should never be a laughing matter.” Kris Jose