CHR sa DMW: Ulat ng distressed OFWs, talupan

CHR sa DMW: Ulat ng distressed OFWs, talupan

January 26, 2023 @ 6:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng Commission on Human Rights (CHR) sa Department of Migrant Workers (DMW) na imbestigahan ang ulat ng distressed overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatago sa ibang bansa.

Inihayag ito ng CHR matapos ang “brutal killing” ng 35-anyos na OFW  na si Julleebee Ranara, na natagpuang sunog ang katawan sa gitna ng desyerto sa Kuwait at iniulat na ginahasa at binuntis ng suspek, ang 17-anyos na anak ng kanyang employer.

Sinabi ng CHR na katuwang ito ng DMW sa pagbabantay sa kaso. Sinabi rin nito na kailangang mabigyan ng hustisya ng krimen.

Hinikayat muli ng CHR ang pamahalaan “to reflect and adopt the necessary reforms to strengthen and uphold the rights of migrant workers, especially those working as domestic workers,” kasunod ng pagkamatay ng pitong OFWs sa Kuwait mula 2018.

“CHR stresses that one death is too many. We note similar alarming reports of distressed OFWs in huge numbers seeking refuge in shelters and are awaiting repatriation. We ask DMW to investigate this matter with equally great urgency,” pahayag ng komisyon.

“It is clear that full implementation of employment standards — including safe working conditions, timely remuneration, and protection from maltreatment—in line with migrants’ human rights, must be demanded by the Philippines from foreign employers and other States,” dagdag nito.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang DMW hinggil dito.

Samantala, patuloy na makikipag-ugnyan ang komisyon sa iba pang national human rights institutions (NHRI) sa pagbibigay ng agarang legal o financial assistance sa OFWs na nangangailangan ng tulong. RNT/SA