CHR sa imbentaryo ng bakunado, ‘di bakunado: Right to privacy ‘wag labagin

CHR sa imbentaryo ng bakunado, ‘di bakunado: Right to privacy ‘wag labagin

January 13, 2022 @ 10:09 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado.

Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kautusan na maghihigpit sa galaw ng mga tao na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19.

“With the recent directive of the DILG for barangays to submit a list of unvaccinated individuals in their communities, we hope that this does not result in the breach of the right to privacy of individuals and, more importantly, not restrict the unvaccinated from accessing essential good and services,” ang pahayag ni De Guia sa isang kalatas.

Binigyang diin nito na ang pagpapanatili sa karapatang-pantao ay mahalagang konsiderasyon sa paglikha at implementasyon ng polisiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We cannot use the present pandemic as a justification to set aside pertinent laws and human rights standards meant to protect human rights and dignity in all situations and at all times,” aniya pa rin.

Kapag available na aniya ang inventory , sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang mga barangay ay maaari nang magpatupad ng paghihigpit sa mga hindi bakuandong tao sa pamamagitan ng ordinansa.

Ang imbentaryo ay isusumite kada buwan sa DILG, ayon kay Malaya. Kris Jose