CHR sinita ng COA sa kinuhang 130 consultant na ‘di nakasunod sa procurement law

CHR sinita ng COA sa kinuhang 130 consultant na ‘di nakasunod sa procurement law

June 2, 2022 @ 8:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinawagan ng pansin ng Commission on Audit (COA) ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkuha ng 130 consultants noong nakaraang taon na hindi man lamang sinunod ang requirements sa ilalim ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Sa 2021 annual audit report na inilathala noong nakaraang buwan, nakita ng COA na hindi nagpakita ang CHR ng kahit na anumang market research bago lagdaan ang ₱24.457 milyong halaga ng kontrata na may 130 consultants na kinuha noong nakaraang taon.

“Conducting market research in hiring of consultants in government agencies is stipulated in the Government Procurement Reform Act as COA emphasized the said requirement is made to determine the “most advantageous terms” for the State,” ayon sa COA.

Ang kontrata sa pagkuha ng 130 consultants ng CHR ay hindi aprubado ng state auditors.

“None of the procurement process involving COS (contract of service) was witnessed by the resident COA, apparently disregarding the importance of transparency as the core principle of government procurement,” ayon sa state auditors.

Kabilang da mga kinukuwestiyon sa COA report ay ang mga kontrata ng CHR na may “18 consultants at “different field of expertise” worth ₱4,968,068.18; 16 consultants hired as “specialist in different field of expertise” worth ₱4,719,131.75; Eight legal specialists worth ₱4,288,624.50; 28 content creators/module developers worth ₱2,852,800; Three consultants hired for “climate change issues” worth ₱1,475,918.17 at 17 consultants hired for “mental health advocacy issues” worth ₱1,356,000.”

Dahil dito, ipinag-utos ng COA sa procurement division office ng CHR na mahigipit na sumunod sa Government Procurement Reform Act sa pagkuha ng consultants o pag-engage sa COS scheme.

Samantala, kinilala naman ng CHR ang pangangalampag ng COA hinggil sa kinuha nilang 130 consultants noong nakaraang taon.

“As an independent constitutional body, CHR welcomes feedback on its processes as we continually strive to improve and do better. CHR reassures the COA and the public that it has immediately acted upon its recommendations to duly comply with the standard process of RA 9184,” ayon kay CHR Executive Director Atty. Jacqueline De Guia.

Aniya pa, inatasan ng CHR management ang lahat ng kanilang tanggapan na mahigpit na sumunod sa procurement process na nakasaad sa batas.

Idinepensa rin nito ang pagkuha sa 130 consultants dahil kailangan ang mga ito para sa pagde-deliver ng mga “urgent” human rights services sa mga Filipino.

“The expedient hiring of consultants and technical services in the past years was necessary and vital in delivering the mandate of the Commission given the plight of human rights on various fronts,” ayon kay De Guia. Kris Jose