CHR sinita rin ng COA

CHR sinita rin ng COA

July 27, 2018 @ 3:57 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Aabot sa mahigit limang milyong piso ang halaga ng nagastos ng Commission on Human Rights (CHR) sa kanilang 20 training at seminar sa mga hotel ayon sa kanilang 2017 audit report.

Dahil dito tinawagan ng pansin ng Commission on Audit (COA) ang naturang komisyon dahil mas nakatipid sana kung ginawa na lang ito sa loob ng kanilang mga opisina.

Bukod dito, kinuwestiyon din ng COA na karamihan sa mga kasali sa seminar at training sa Metro Manila ay pawang nakatira lang din sa NCR at mas marami pa anila ang staff ng CHR Central Office na dumadalo.

Hindi pa dito natapos dahil, nasita rin ng COA ang halos P40 million na ginasta ng komisyon para sa gender and development related activities kung saan P20 million lang ang nakalaang pondo. (Remate News Team)