CHR ‘wag dumikit sa Malakanyang – Reyes

CHR ‘wag dumikit sa Malakanyang – Reyes

September 28, 2022 @ 4:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes sa bagong pinuno ng Commission on Human Rights na huwag dumikit sa Malakanyang at magpakita ng “independence” mula rito.

Sa isang statement ngayong Miyerkules, Setyembre 28, sinabi ni Reyes na nais niyang magkaroon ng kalayaan mula sa Palasyo ang bagong CHR Chairperson na si Richard Palpal-latoc.

“We hope that despite his previous proximity to the halls of power as a Palace official, he will maintain the CHR’s independence from Malacanang,” ani Reyes.

Idiniin nito na si Palpal-latoc ay dating deputy executive secretary sa ilalim ni Vic Rodriguez.

Kasabay ng panawagan ng kalayaan mula sa Palasyo, sinabi rin ni Reyes na mahalaga ang papel ng CHR upang panagutin ang nagdaang administrasyon sa ICC sa palpak na war on drugs.

“There are also many human rights complaints by civil society groups that require the response of the CHR,” aniya. RNT/JGC