Tiwalang Tala Palengke Tour inilunsad

January 27, 2023 @8:59 PM
Views: 218
Manila, Philippines-Inilunsad ng isang global technology company na Tala ang Tiwalang Tala Palengke Tour na aarangkada sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay Tala Country Manager Donald Evangelista, ito ang tugon nila sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng flexible na microloans at pagbibigay ng access sa iba’t ibang financial services sa micro, small at medium enterprises na binubuo ng 99.5% ng mga negosyo sa bansa.
Aarangkada ang programa sa Commonwealth Public Market ngayong Enero 28 at sa Balintawak Public Market bukas.
Layon nitong suportahan ang market owners, vendors at mga konsyumer sa pamamagitan ng pagpapakilala ng microloans para mapalago ang kanilang negosyo gamit ang Tala app at pagsasagawa ng konsultasyon.
Sa pamamagitan nito, malalaman ng customer ang angkop na loan na maaaring niyang kuhanin base sa gastos at pangangailangan.
Ayon kay Evangelista, bagamaât malaki ang ambag ng MSMEs sa bansa, walang access ang karamihan sa kanila sa mga produkto ng mga pormal na financial institutions na maaaring makatulong sa kanilang negosyo kaya naisipan nilang ilapit ang serbisyo sa mga ito.
Sa customizable loans ng Tala, may kakayahang pumili ang customer ng araw ng kanilang repayment date upang maiangkop sa kanilang income cycle at makapagtabi ng sapat na budget sa kanilang mga bayarin. Binibigyan din ng option ang mga customer na magbayad ng hindi bababa sa P5 piso kada isang araw para sa P1,000 na utang. Maaari ring bayaran agad ang loan kahit na isang araw pa lang matapos itong kuhanin para mapaliit ang kanilang babayaran.
Kabilang ang customizable loans ng Tala sa mga microloan at financial services na maaaring ma-avail gamit ang Tala app na ipakikilala sa Tiwalang Tala Palengke Tour.
Vessel monitoring system ng BFAR expired na

January 7, 2023 @1:11 PM
Views: 312
MANILA, Philippines–Hinihingan ng paglilinaw ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung ang iginawad bang kontrata ng kawanihan sa isang kontraktor noong 2018 para sa pagsuplay ng teknolohiya at mga kagamitan para sa Integrated Marine Environment Monitoring System (IMEMS) nito ay may bisa pa dahil lumilitaw ngayon na maaaring paso na pala ito.
Ang naturang klaripirasyon ay laman ng isang sulat ni Ma. Neiseria Ailah G. Tuquero, isang abogado at pribadong mamamayan, sa BFAR na may petsang Disyembre 14, 2022.
Isang mahigpit na kahilingan sa IMEMS ang paglalagay ng lahat ng mga barko sa pangingisda ng isang vessel monitoring system para matukoy ang eksaktong lokasyon ng mga ito saanmang dako ng karagatan.
Binigyang-diin ni Tuquero na apat na taon lang ang nakalaang panahon para sa âdelivery of goodsâ umpisa sa unang araw na matanggap ng nanalong kontraktor ang ânotice to proceedâ at base na rin aniya ito sa nakalagay sa mga bidding documents.
Binanggit ng abogado na nakalagay sa âawardâ na Disyembre 4, 2018 ang petsa ng ânotice to proceedâ at nagtatapos ito nang Disyembre 4, 2021.
âBase mismo sa award, lampas isang taon nang paso ang kontrata,â ani Tuquero. âKahit pa sabihin na typo error ang nangyari sa nakasulat na expiration date at ang tunay na intensyon ay Disyembre 4, 2022, ganoon pa rin, paso na rin ito,â aniya.
Sinabi ni Tuquero na ang pagkapaso ng kontrata ay nangangahulugan na hindi na mababawi ng kontraktor ang inilagak nitong âperformance bondsâ laloât lumalabas na maaaring hindi naman naisakatuparan ang mga obligasyon nito na nakasaad sa kontrata sa pagitan nila ng BFAR.
Matatandaan na naging mainit ang isyu sa vessel monitoring system nang humatol ang isang hukuman sa Malabon City noong 2021 at ideklarang unconstitutional ang IMEMS. Ito ay pinanigan mismo ni dating Solicitor General Jose Calida at kanyang sinabihan ang BFAR na sundin ang naging desisyon ng korte.
Ex-Pope Benedict XVI pumanaw na

December 31, 2022 @9:11 PM
Views: 606
VATICAN CITY â Pumanaw na si dating Pope Benedict XVI sa edad na 95.
Ipinanganak na si Joseph Ratzinger, tubong Germany, at naging Santo Papa noong 2005 sa edad na 78, namatay ito sa Mater Ecclesiae monastery at ilalagak ang kanyang bangkay sa St Peter’s Basilica sa Enero 2 hanggang sa ilibing siya sa Enero 5.
Pangungunahan ni Pope Francis ang paglilibing sa kanya.
Si Pope Benedict XVI ang kauna-unahang nagbitiw bilang Santo Papa noong 2013 dahil sa pagkakasakit simula noong panahon ni Gregory XII noong 1415.
Sa kanyang panunungkulan nadiskubre ang mga pang-aabusong sekswal, lalo na ang pedopilia na nakatuon sa mga batang lalaki ng mga pari at kardinal.
Umamin naman ang nasabing Santo Papa sa maling paghawak sa mga kasong ito, maging sa kanyang nasasakupang lugar nito na Munich, Germany.
Sa mga araw na ito, natatagpuan ang mga pedopilia ng mga paring Katoliko sa mga bansang Germany, France, Italia, Spain, United States, Latin America at iba pa.
Makaraang maanunsyo ang pagpanaw nito, nagpalabas na ng pakikiramay ang mga bansang Italy, France, Germany, United Kingdom at iba pa.
Problema sa ASF virus matutuldukan na

December 5, 2022 @1:21 PM
Views: 385
Manila, Philippines-Matutuldukan na ang matagal nang pakikibaka ng bansa sa African Swine Fever epidemic sa pagtutulungan ng lokal na kompanyang KPP Powers Commodities at AVAC Vietnam Joint Stock Company.
Sa nilagdaang kasunduan, ang KPP Powers ang eksklusibong distributor ng ASF Live Vaccine ng AVAC na tanging produktong pinayagan ng gobyernong Vietnam na mag-export at binigyan ng Certificate of Product Registration.
Simula nang maitala ang unang ASF outbreak sa bansa noong July 2019, bumaba ang swine population ng 50% hanggang 70% dahil sa virus na nagresulta sa tinatayang P100B taunang pagkalugi.
Ayon kay KPP Powers Managing Director Juancho Robles, maraming farm ang napilitang magsara kayaât libo-libong manggagawa sa hog industry ang nawalan ng trabaho.
Noong Mayo 10, 2021, isinailalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa state of calamity dahil sa paglaganap ng ASF na mabilis kumalat sa loob lang ng pito hanggang 15 araw.
Dahil umano sa pagkamatay ng mahigit 3M baboy, napilitan ang mga magbababoy na gumamit ng kaduda-duda at hindi nasuring bakuna.
Tumaas din ang presyo ng buhay na baboy at nahirapan silang kontrolin ang paglaganap ng ASF.
Bunsod nito, umaasa si Robles na tulad sa Vietnam, masusulosyunan din ang problema ng bansa sa ASF sa pamamagitan ng AVAC ASF Live Vaccine.
Sa ngayon, nakapag-apply na ang KPP Powers ng special permit sa Food and Drug Administration at nakatakda nang simulan ang pagdinig. RNT
âLegit contractorsâ handang tumulong kay Bonoan; Raket ni cong. sa DPWH bidding ibinuking

December 1, 2022 @12:29 PM
Views: 824