Christian Bables, umamin sa tunay na gender!

Christian Bables, umamin sa tunay na gender!

December 6, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagkaroon ng advance screening ang comedy film na Mahal Kita Beksman na pinagbibidahan ng award-winning actor na si Christian Bables, kasama sina Iana Bernardez, Katya Santos, at Keempee de Leon.

Dahil sunod-sunod ang pagtanggap ni Christian ng mga gay films like Die Beautiful, The Panti Sisters at Big Night, palaisipan tuloy sa mga manonood kung lalake ba siyang tunay o beki sa totoong buhay.

Esplika ng actor, “If you think that I’m good in what I do, thank you. I appreciate that po, maraming salamat. Malaking bagay ‘yun para sa amin, ang ma-appreciate ang aming hard work pagdating sa aming craft.

“And with the question, ano ba talaga si Christian Bables? Well I will identify myself as a straight guy, straight man. My preference and my attraction is with the opposite sex.”

Ayon pa kay Christian, hindi naman daw nito isinasara ang posibilidad na balang araw, he might be romantically linked to someone from the same sex. Sinabi pa ng actor na bagama’t he is attracted to women, anything could still happen to him in the future.

“If isang araw i-twitch ni God ang puso ko at sabihin niya na, ‘Christian bibigyan kita ng special ability at another blessing to be able to appreciate, romantically be attracted or love a person of the same sex,’ wala akong magiging objections doon. Ia-accept ko iyon arms wide open dahil for me, to be able to appreciate love, be romantically attracted to the same sex is a blessing and an ability na wala ‘yung people who identify as straight guy, straight woman,” aniya. Ador Saluta