Christine Bermas, nailang sa laplapan kay Chloe Jenna!

Christine Bermas, nailang sa laplapan kay Chloe Jenna!

August 8, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa local Tinseltown ay ang girl to girl na love scene ng Vivamax sex goddess na sina Christine Bermas at Chloe Jenna sa pelikulang Lampas Langit. Mainit kasi ang eksena ng dalawa sa kanilang sex scene.

First time kasi ni Christine na makipag-love scene pero magaling at pulido ang pagkakakuha.

“First time ko, hindi na ako nag-research kung paano gagawin ang love scene with a girl, hindi ganu’n kalalim ang koneksyon namin ni Chloe pero parang inano na namin ‘yung self, hinanda na namin.

“Hindi kami prepared pero we tried na lang as new expreicne, first time ko ring nagkaroon ng close encounter sa hubad na babae kaya nailang kami sa isa’t isa,” sabi ni Christine.

Kahit si Chloe ay aminadong nahirapan sa love scene nila ni Christine.

“Ang funny ng naging process kasi I tried my best na mag-internalize as much as possible, gusto kong burahin sa isip ko na girl ang partner ko,” sabi naman ni Chloe.

Sabi ni direk Jeffrey Hidalgo ay nasa script naman ang bawat galaw ng love scene nina Christine at Chloe pero nagkailangan pa rin ang dalawa. Mabuti na lang at sizzling pa rin ang kinalabasan kahit na first time nilang magkaroon ng sex scene sa babae.

Ibang klase ang movie na Lampas Langit dahil may dahilan kung bakit nagkaroon ng sex scene ang dalawang babae. Sabi nga ni direk Jeffrey, this is a story about manipulation.

Kasama rin sa movie sina Baron Geisler, Ricky Davao, Ivan Padilla, Milana Ikemoto, at Quinn Carrillo. Streaming na ang Lampas Langit sa

Vivamax by August 19, 2022. JP Ignacio