Christine Bermas, pasok sa Scorpio Nights; AJ Raval, out na!

Christine Bermas, pasok sa Scorpio Nights; AJ Raval, out na!

July 1, 2022 @ 7:45 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nu’ng una pa lang ay marami ang nag-akala na ang sexy star at Vivamax goddess na si AJ Raval ang bibida sa iconic movie ng nasirang si direk Peque Gallaga, na Scorpio Nights 3. Ngunit recently lang ay ipinakilala ng Vivamax si Christine Bermas, na gaganap sa role ni Pinay, na bida sa nasabing pelikula.

Nagkaroon ba ng issue sa kanilang dalawa ni AJ ang pagiging bida ni Christine sa Scorpio Nights 3 since kay AJ dapat ito?

“Tama, originally kay AJ Raval talaga ito pero nirerespeto ko ‘yung desisyon ng Vivamax.

“Sinabi naman ni AJ na baka deserve ng iba ‘yung role kaya gumaan pakiramdam ko du’n. “Ok naman kami ni AJ at walang issue sa amin. In good terms kami ni AJ at binibigyan pa niya ako ng advices sa role ko sa movie,” paliwanag ni Christine.

“Hindi na rin naman ako nag-audition sa role, basta sinabi sa akin na gagawin ko ‘yung Scorpio Nights 3 and natuwa ako nang nalaman ko na ako ang bida,” dagdag pa niya.

Si Christine ay dating membet ng all-girl group na Bella Donnas and for the record ay wala pa talaga siyang nagiging boyfriend at the age of 23.

Paano niya nabigyan ng justice ang mga extreme sexy scenes ng movie gaya ng oral sex scene nilang dalawa ni Gold Aceron?

“Sa totoo lang, sobrang conservative ako as a person pero hiniwalay ko ang work sa personal kong buhay so parang may split personality ako. ‘Yung pagpapa-sexy ko, ibang Christine siya.

“‘Yung oral sex scene namin nj Gold, hinawakan ko talaga ‘yung ari niya kasi nandu’n na ako sa character ko, so automatic na. Hindi naman kailangan na ma-experience mo ang oral sex in real life para mabigyan ng justice ‘yung role.

“Passion ko ang pag-aartista so lalabas at lalabas sa sarili mo ‘yung kaikangang iarte,” paliwanag pa ni Christine.

Nilinaw din ni Christine na  hindi siya nanood ng porn para paghandaan ang kanyang role dahil ang kanyang pinanood ay ang Scorpio Nights 1 kung saan bida si Ana Marie Guttierez.

Inamin din ni Christine na gumamit siya ng vibrator sa movie at hindi naman daw siya nailang.

Ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 ay hango sa 1985 movie na may parehas ding title na pinagbibidahan nina Daniel Fernando at Anna Marie Gutierrez at mula sa direksyon ng legendary Filipino director na si Peque Gallaga. Nagkaroon din ng sequel ang pelikula noong 1999 na pinagbidahan naman nina Joyce Jimenez at Albert Martinez.

Anyway, bukod kay Gold ay kasama rin ni Christine sa Scorpion Nights 3 si Mark Anthony Fernandez, na idinirehe ni Lawrence Fajardo. Mapapanood na ang Scorpio Nights 3 sa Vivamax on July 29, 2022. JP Ignacio