Christine Bermas, tinititigan ang sarili ng hubo’t hubad!

Christine Bermas, tinititigan ang sarili ng hubo’t hubad!

August 18, 2022 @ 4:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Huwaw! Maraming anak ni Adan ang literal na napanganga nang sinabi ng Vivamax bombshell na si Christine Bermas na madalas ay tinititigan niya ang kanyang katawan, in her birthday suit, sa harap ng salamin. ‘Yan daw kasi ang kanyang ginagawa bago kunan ang isang sexy love scene kapag meron siyang shooting. Ganyan din kadalasan ang ginawa ni Christine nu’ng nag-shoot sila ng pelikulang Lampas Langit, directed by Jeff Hidalgo, dating masama sa grupong Smokey Mountain.

“Yes, tinitingnan ko ang sarili ko sa mirror nang hubo’t hubad. Every angle, every inch of my body, sinisilip ko talaga. ‘Yan kasi ang preparation na ginagawa mo every time na may kukunang sexy scene. It also boost my self confidence.

“Wala, wala namang tumatakbo sa isip ko kapag tumititig ako sa katawan ko ng hubad in front of the mirror.

“Ang paghuhubad kasi, para sa akin, e, isang art. For me, bawat galawan ko sa isang mainit na eksena, e, choreographed,” paliwanag ni Christine.

Binanggit din ni Christine na hirap siyang maka-eksena sa love scene ang isang babae. May love scene kasi sila ng kapwa niya sexy star na si Chloe Jenna sa kanilang movie na Lampas Langit.

“Mas mahirap kaeksena ang babae kesa sa lalake kasi hndi ko kaya talaga, parang naiisip ko ang mama ko o ate ko kahit work lang ‘yun. Sa lalake kasi, mas malakas ang loob ko,” sabi pa niya.

FYI ay  na-discover si Christine ng kanyang manager na si Mam Len Carillo sa Palawan. She was 16 years old then at saka siya isinali sa Isang girl group, ang Belladonnas.

Kasama rin pala sa movie na Lampas Langit sina Ricky Davao, Baron Geisler at Milana Ikimoto.

Streaming ang movie sa Vivamax sooner than soon. JP Ignacio