Christine Bersola, pinaratangang balimbing, dedma!

Christine Bersola, pinaratangang balimbing, dedma!

November 14, 2022 @ 8:04 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nagpupuyos sa galit ang isang AlDub fan makaraang binati ni Christine Bersola ng happy birthday si Arjo Atayde.

Bale ba, ginamit ni Tin Tin ang hashhtag na #LoversInParis para kina Arjo at Maine Mendoza with the Eiffel Tower as background.

Bakit daw obyus na tsini-cheer ng misis ni Julius Babao ang real-life engaged couple samantalang isa ito sa mga masugid na tagasuporta noon nina Alden Richards at Maine.

Hindi raw ba aware si Tin Tin na mag-asawa ang loveteam na sumikat sa kalyeserye ng Eat Bulaga?

Dagdag pa ng AlDub fan, hindi raw ba alam ni Tin Tin na may mga anak ang dating sikat na tambalan?

Take note, mga anak!

Ito’y sa kabila ng paulit-ulit na pahayag ni Maine na hindi sila mag-asawa ni Alden, let alone may mga supling pa.

Good thing, hindi na pinatulan pa ni Tin Tin ang paratang na bumalimbing siya.

Instead ang mga fans ni Maine ang nagtanggol para sa kanya.

Kung bakit naman kasi may mga AlDub fans na nag-iilusyon pa rin gayong malinaw naman na hindi na nag-e-exist ang Aldub nation.

They simply refuse to get real.

Ang lagay na ‘yan, eh, engaged pa lang sina Arjo at Maine, paano na if they’re a married couple?

Haven’t we seen enough of those delusional fans?

Umayos nga kayo! Ronnie Carrasco III