Christmas bonus ng gov’t workers matatanggap sa Nob. 15-CSC

Christmas bonus ng gov’t workers matatanggap sa Nob. 15-CSC

November 11, 2020 @ 6:28 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Matatanggap na ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilang Christmas bonus simula sa Nobyembre 15.

Ito ang inihayag ni Civil Service Commission Commissioner Atty. Aileen Lizada sa Laging Handa briefing nitong Miyerkules.

Aniya, nakasaad sa Budget Circular No. 2016-4 ng    Department of Budget and Management na kailangang ibigay ng mga ahensya ng gobyerno ang naturang cash benefits sa naturang period.

Sinabi pa ni Lizada na nag-isyu na rin ng memorandum ang komisyon na nagbago sa working arrangement ng government personnel, tulad ng staggered working hours.

Idinagdag pa niya na lahat ng manggagawang edad 60 pataas at yaong may ibang karamdaman ay maaari pa ring mag-report sa trabaho depende sa pinuno ng kanilang ahensya. RNT 


  •  
  •  
  •