Christmas break sa Dec. 19 na; balik-eskwela, kasado sa Jan. 4 – DepED 

Christmas break sa Dec. 19 na; balik-eskwela, kasado sa Jan. 4 – DepED 

December 17, 2022 @ 10:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Simula na ng Christmas vacation sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa susunod na linggo, ayon sa Department of Education (DepED) nitong Biyernes.

Batay sa DepED Order No. 34 s. of 2022 o “School Calendar and Activities for School Year 2022-2023,” inanunsyo ng departmento na magsisimula ang Christmas break sa mga pampublikong paaralan sa Dec. 19, 2022, hanggang Jan. 3, 2023.

Nakatakda namang magbalik-eskwela sa Jan. 4, 2023.

Opisyal na nagsimula ang SY 2022-2023 sa mga pampublikong paaralan noong Aug. 22. Ang kasalukuyang SY ay may 203 school days at matatapos sa Hulyo 7, 2023.

Para sa SY na ito, inihayag ng DepED na nakatakda ring magsimula ang remedial classes para sa mga pampublikong paaralan sa Hulyo 17 at matatapos sa Aug. 26, 2023. RNT/SA