Christmas concert nina Sarah G at Matteo sa fans, tuloy na!

Christmas concert nina Sarah G at Matteo sa fans, tuloy na!

December 8, 2021 @ 8:00 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Bilang handog sa kanilang mga fans this Christmas,  napagpasyahan ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na magsama sa isang virtual Christmas concert ngayong December bago ang araw ng Pasko.

Pinamagatang ‘Christmas with The G’s’ ang concert ng mag-asawa at ito ay mapapanood sa December 18, 8 pm sa mga streaming site na ktx.ph at Vivamax Plus.

Halo-halong foreign at local Christmas songs ang nasa repertoire ng couple na magsasama sa unang pagkakataon. Binigyan din ng mga bagong areglo ang mga kakantahin nila tulad ng “Jingle Bells,” “O Holy Night,” “Ang Pasko ay Sumapit,” at “Sana Ngayong Pasko”.

Guest din ang OPM legend na si Jose Mari Chan na tinaguriang “Mr. Christmas”, at may special number din ang grupong  Acapellago.

Si Louie Ocampo ang musical director at si Paolo Valenciano naman ang concert director.

Ang  Viva Live at ang G Productions nina Sarah at Matteo ang mga producers ng Christmas with The G’s.

Dahil sa ito’y virtual, makakatanggap ng Zoom link ang mga bumili ng VIP tickets para sa exclusive invitation sa online meet and greet session ng mag-asawa. Ador Saluta