Christmas station ID ng ABS-CBN at GMA, inulan ng positive comments!

Christmas station ID ng ABS-CBN at GMA, inulan ng positive comments!

November 13, 2021 @ 10:32 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Kagaya ng taon-taong nakaugalian, abangers ang mamamayang Pilipino sa Christmas station ID ng big networks na ABS-CBN at GMA.

Pero “waiting game” no more dahil 42 days before Christmas ay inilabas na ng parehong networks ang kanilang station ID for Christmas na dinumog ng mga Pilipino sa social media.

Sino ba naman kasi ang hindi mag-aabang? Isa na kasi ito sa pinaka-nagpaparamdam sa bawat bahay ng Christmas Spirit o Diwa ng Pasko.

Kagaya ng inaasahan ng halos lahat, ang tema ng dalawang network ay may kinalaman sa pandemya na kinakaharap nating lahat at kita naman sa comments section na maraming Pinoy ang na-inspire at lumakas ang loob para lumaban at magpatuloy.

“ABS-CBN never fails to amaze us”, “ABS-CBN’s Christmas station ID is essential every year”, “Grabe naiyak ako”. ‘Yan ang ilan sa mga comments ng netizens sa YouTube channel ng ABS na ipinaabot sa nasabing network ang pagka-emotional nang marinig ang kanta.

Samantala, medyo upbeat naman ang atake ng GMA na kinataas ng energy ng mga Pinoy.

“I love the beat, it makes me feel Christmas 2021 with positivity!”, “Ang meaningful ng kanta!”, “Napasayaw at napakanta mga bata, thanks GMA!”. ‘Yan ang ilan sa mga komento sa YT channel ng GMA.

Magkaiba man ng atake, for sure ay magandang atake ang naidulot ng both networks sa puso ng mga Pinoy.

Cheers! Paula Jonabelle Ignacio