Christmas tree na gawa sa mga sirang motorsiklo, pinagkaguluhan sa Cagayan

Christmas tree na gawa sa mga sirang motorsiklo, pinagkaguluhan sa Cagayan

December 8, 2021 @ 11:44 AM 2 months ago


CAGAYAN-Nagmistulang tourist destination o agaw pansin sa mga local na turista ang higanteng christmas tree ng Ballesteros Police Station na gawa sa mga sirang motorsiklo na nai-impound ng kapulisan.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Marlou del Castillo, hepe ng Ballesteros Police Station ay magsisilbing paalala sa mga riders bilang pag-iingat sa pagmamaneho ang tema ng selebrasyon ng nasabing Station kasabay sa pagpapailaw ng kanilang Christmas Tree na gawa sa mga sirang motorsiklo na kauna-unahan ngayong taon.

Agaw atensyon ngayon ang dalawang palapag na taas ng Christmas Tree na nakapwesto sa harapan ng himpilan ay gawa sa 20 impounded na motorsiklo na sangkot sa mga aksidente.

Dinisenyo at nilagyan ng mga makulay na pailaw sa headlights at tail lights na nagniningning tuwing gabi na ginagawang pook pasyalan sa harapan ng istasyon.

Kung saan sa pinakataas ng Christmas Tree ay makikita si Santa Claus na nakasakay sa bisikleta na patok sa mga kabataang at boung pamilya na pumapasyal sa harap ng police station.

Namangha ang namamasyal sa kakaibang christmas tree na dinarayo ngayon bilang local tourist destination. Rey Velasco