Christmas Village sa Maynila, bukas na

Christmas Village sa Maynila, bukas na

December 1, 2020 @ 7:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagbubukas ngayong unang araw ng Disyembre ng “Paskuhan sa Maynila” na matatagpuan sa Mehan Garden sa Ermita, Maynila.

Ang Paskuhan sa Maynila ang tinaguriang “Village of lights and sounds” kung saan magiging tampok ang iba’t-ibang mga loacally made products na maaaring pang-regalo sa Pasko o panghanda sa Noche Buena.

Una nang binanggit ni Domagoso na ang layunin ng Paskuhan sa Maynila ay upang makalikha ng mga trabaho at matulungang makaahon ang mga negosyante na lubhang naapektuhan nang nararanasang pandemya.

Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, aabot sa 60 ang exhibitors ang lumahok sa Paskuhan sa Maynila habang inaasahan na mabibigyan ng trabaho ang nasa 200 indibidwal dahil sa proyekto.

Aniya, magtatagal ang Paskuhan sa Maynila hanggang Enero 2, 2021 at bukas ito sa publiko simula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi, Lunes hanggang Linggo.

“Paskuhan sa Maynila is brought to you by the City of Manila. Conceptualized by the Bureau of Permits. Designed and built by the Department of Engineering headed by Engr. Armand Andres for the People Of Manila,” saad ni Facundo.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na mahigpit na ipatutupad ang health protocols upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga vendor at mga mamimili laban sa sakit na COVID-19.

Limitado lamang sa 50 percent capacity ang maaaring makapasok sa Mehan Garden at lahat ay kailangang dumaan sa misting booth at temperature scan. Ang mga exhibitor naman ay sasailalim sa COVID-19 serology test.  JAY Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...