Christopher, ayaw makihalo sa ‘drama’ nina Nora at Matet!

Christopher, ayaw makihalo sa ‘drama’ nina Nora at Matet!

January 13, 2023 @ 6:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Isa sa mga natutuwa sa pagbabati ng mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon ay si Christopher de Leon.

The actor, more popularly known as Boyet in showbiz circles, is the adoptive father of Matet as well as Lotlot.

Maganda nga ang pasok ng 2023 sa nagkaalitang mag-ina nang magkaayos over the gourmet tuyo and tinapa business na ayon kay Matet ay ginaya ng ina.

Ayon kay Matet, nasabi raw niyang hindi na muling kakausapin ang ina dahil sa bugso ng damdamin.

Aniya, it was Nora who spoke to her para kalimutan na ang nangyari.

On her part, um-attend pa si Matet ng birthday celebration ni John Rendez, Nora’s long-time friend.

Kung si Boyet naman ang tatanungin, naniniwala siyang naging emosyonal lang ang mag-ina.

Batid daw niya ang mga kaganapan sa mag-ina pero ayaw niyang manghimasok.

Hangga’t maaari raw ay ayaw niyang makisali sa drama nila, “I try to stay away from it.”

Katwiran ng multi-awarded actor, ang anumang negatibong bagay ay pumipigil sa kasiyahan ng isang tao, “I don’t enjoy talking about other people.”

Even then, Boyet is happy that Nora and Matet have reconciled their differences.

Hindi rin naman daw kasi kinukumpisal sa kanya ni Matet whatever is going on with her family.

Matatandaang sa ate ni Matet na si Lotlot niya ipinagtapat ang puno’t dulo ng alitan nilang mag-ina.

Ayaw ring makialam ni Lotlot sa away ng mga ito. Ronnie Carrasco III