“Christopher De Leon” arestado sa Valenzuela

“Christopher De Leon” arestado sa Valenzuela

July 24, 2022 @ 3:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang most wanted person, kabilang ang construction worker na kapangalan ng isang sikat at beteranong actor na si “Christopher De Leon” sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa Valenzuela City.

Nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police ang naarestong mga akusado na kinilala bilang sina Christopher De Leon, 38 ng No. 06 M Gregorio St., at JB Batillano alyas “Ronilo Batillano”, 30 ng No. 52 Dosensa St., kapwa ng Brgy., Canumay West.

Ayon kay Valenzuela Police chief Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-7:55 ng gabi nang magsagawa ang Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo, PSSg Raul Quimbo, PSSg Erwin Castro, PSSg Jonathan Garcia at PCpl Jeffrey Natural Jr, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO at DACU-NPD sa pangunguna ni PMAJ Jessie Misal ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay De Leon sa A Pablo St., Brgy. Karuhatan.

Ayon kay Pat. Roland Buenaventura, si De Leon ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong July 21, 2022 ni Presiding Judge Maria Nena Juaban Santos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 171, Valenzuela City para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) na may Php300,000.00 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nauna rito, nasakote din sa joint manhunt operation ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni PLT Albert Verano at Sub-Station 1 sa pangunguna ni PCPT Richie Garcia si Batillano sa kanyang bahay dakong alas-6:43 ng gabi.

Ani SIS chief PMAJ Marissa Arellano, si Batillano ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong July 15, 2022 ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan at Malicious Mischief. R.A Marquez