“Christopher Robin,” hindi ipapalabas sa China: Pooh at President Jinping magkamukha kasi?

“Christopher Robin,” hindi ipapalabas sa China: Pooh at President Jinping magkamukha kasi?

August 8, 2018 @ 8:24 AM 4 years ago


 

 

Los Angeles – Hindi pinayagan ng China ang hiling ng Walt Disney Co na ipalabas sa bansa ang pelikulang “Christopher Robin,” tampok ang honey-loving bear na si Winnie the Pooh, ayon sa source kahapon (August 7).

Hindi nagbigay ng maliwanag na sagot ang gobyerno ng China kung bakit sila tumutol sa pagpapalabas ng pelikula.

Bukod pa rito, ang gobyerno rin ng Beijing ay nag-censored ng mga litrato ni Winnie the Pooh online matapos mapansin ng mga kalaban na tila magkahawig ang itsura ni Pooh at ni President Xi Jinping na maaaring gamitin bilang ‘symbol of resistance’.

China ang pumapangalawa sa largest film market sa buong mundo. Limitado lamang sa 34 kada taon ang mga foreign-made films na pumapasok sa kanilang bansa.

Madalas nitong pinapayagan ang mga action-heavy blockbusters gaya ng “Avengers: Infinity War” at “Black Panther,” dalawa lamang sa mga pelikula ng Disney na ipinalabas sa China ngayong taon. Remate News Team