Ciara, sinigurong magbabalik ang AllTV!

Ciara, sinigurong magbabalik ang AllTV!

March 12, 2023 @ 9:30 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Nakadepende ang lahat ng mga kinontratang artista ng AllTV sa pangako nitong magbabalik ang istasyon in one or two months.

Ito rin ang pinanghahawakan ni Ciara Sotto kaugnay ng nadamay nilang show na M.O.M.S.

Ang nasabing programa which is an acronym of Mhies on a Mission ay tinatampukan nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara.

Isa ito sa tatlong programa sa Villar-owned network na pansamantala munang hindi umeere along with Wowowin and Toni.

Nagtataka nga raw si Ciara kung saan at paano kumalat ang balitang totally ay hindi na sila mapapanood.

Aniya, “Nagpo-promote pa nga ako. Marami pa kasi kaming nakabankong episodes.”

All that Ciara knows ay inaayos lang daw ang technical problems na kinakaharap nito.

“We were assured naman na babalik kami in one or two months, so hindi totoong tuluyan nang sinibak ang show namin,” paglilinaw pa ni Ciara.

Sa isa kasing magkahiwalay na ulat, namataan ang chopper ni Willie Revillame na lumanding sa heliport ng Wil Tower.

Marami rin daw sasakyan ang nakahimpil sa Scout Albano kung nasaan ang nasabing gusali.

Ayon sa isang eyewitness account, posibleng pinagmimitingan ng pamunuan ng AllTV ang mga susunod nilang hakbang.

Balitang sa darating na July magbabalik ang mga programang pinatigil muna.

Taking this into account, mukhang may credence ang sinabi ni Ciara na isa hanggang dalawang buwan ay fully operational na uli ang AllTV.

Sumobra nga lang si Ciara sa pagkalkula.

At least, sabi nga ni Ruffa, hangga’t hindi nakakabalik ang M.O.M.S. sa ere ay bayad sila! Ronnie Carrasco III