CIDG chief sa ‘missing’ sabungeros: We will still pray for a miracle

CIDG chief sa ‘missing’ sabungeros: We will still pray for a miracle

December 21, 2022 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Gumugulong pa rin ang paghahanap para sa mga nawawalng sabungero, subalit ipinananalangin ng mga pulis ang himala, ayon sa pinuno ng  Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) nitong Miyerkules.

Sa press conference, tinanong si CIDG chief Police Brigadier General Ronald Lee ukol sa komento mula sa pahayag ni Department of Justice Secretary (DOJ) Jesus Crispin “Boying” Remulla na sa tagal ng pagkawala, dapat nang ituring na patay ang missing sabungeros.

Sinabi ni Lee na nagpapakatotoo lamang si Remulla.

“I don’t want na bigyan po kayo ng pag-asa po, ng false hope, but we will still pray for a miracle,” sabi ni Lee sa mga mahal sa buhay ng missing sabungeros, na nasa press conference rin.

Ipinaliwanag niya na base sa kanyang karanasan sa CIDG, ang kidnapping victims sa Luzon ay hindi binibihag nang matagal, dahil pera lamang umano ang nais ng mga mandurukot.

Samantala, pwedeng mabuhay nang ilang taon ang kidnappings victims sa Mindanao at mga hawak ng New People’s Army, ani Lee.Hindi na niya idinetelaye kung ano ang karaniwang nangyayari sa kidnapping victims sa Mindanao.

Nang tanungin kung ituturing ng PNP ang mga sabungero na nawawala o patay na, sinabi ni Lee na hangga’t may mga lumilitaw na ebidensya, ituturing pa rin silang missing. Subalit, wala rin umanong pruweba na buhay pa sila.

Nitong Lunes, kinasuhan ng DOJ charged ang tatlong pulis sa pandurukot at pagnanakaw sa isa sa missing sabungeros.

Sa kabila nito, iginiit ni Lee na patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol sa missing sabungeros, dahil minamatyagan umano nila ang ilan pang suspek, na ang iba ay bahagi rin ng kapulisan.

“Mayroon pong nasa service, karamihan po diyan ay nasa service and mayroon din pong mga civilian,” ani Lee nang tanungin kung sino ang mga suspek. RNT/SA