CIDG may bagong ebidensya sa ‘missing sabungeros’; parak damay?

CIDG may bagong ebidensya sa ‘missing sabungeros’; parak damay?

December 1, 2022 @ 7:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinag-aaralan nila ngayon ang isang bidyo na kanilang nakuha kung saan ipinakita ang dalawang hinihinalang pulis at isang nawawalang “sabungero” na nakaposas sa labas ng isang sabungan sa Santa Cruz, Laguna.

Sinabi ni BGen. Ronald Lee, hepe ng CIDG, na kinunan ang video noong Abril 28, 2021.

“Based on the ‘secret’ cellphone video showing two men and a handcuffed missing sabungero walking outside a cockfighting arena in Santa Cruz, Laguna on April 28, 2021, we now hold vital evidence on our probe in the disappearance of the said sabungeros,” anang CIDG chief.

Ang nasabing nawawalang sabungero ay kinilala na si Michael Baustista, na positibong kinilala ng kaniyang asawa at kapatid.

Samantala, sinabi ng mga imbestigador ng CIDG na mayroon itong mga lead patungkol sa pagkakakilanlan ng dalawang lalaki. RNT