CIDG nagbabala vs magnanakaw na nag-aaplay bilang driver

CIDG nagbabala vs magnanakaw na nag-aaplay bilang driver

February 27, 2023 @ 9:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga kompanya at pamilya sa pagtanggap ng mga driver ng kanilang sasakyan laban sa carnapping modus ng grupo sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

Sinabi ni CIDG director Police Brig. Gen. Romeo Caramat, Jr. na ginagamit ng isang 34-anyos na nangngangalang Roberito Ramos na naaresto sa isang follow-up operation sa Rosario, Cavite nitong Linggo, ang modus.

Base ang operasyon sa sa arrest warrant na isyu ng Cavite court para sa kaso ng carnapping. 

Sinabi niya na miyembro si Ramos ng Fabian Group na sangkot sa carnapping at gun-running activities sa Cavite, Batangas at Metro Manila.

“The members of the group would  as a legitimate driver and apply in various companies. Once they are hired, they will take away the vehicle assigned to them,” paglalahad ni Caramat.

“This group produced spurious vehicle’s documents and passed them on to unsuspecting buyers as legitimate. Once their cover was blown by the hiring company, they will look for another company and they will employ the same scheme,” dagdag niya.

Paborito umanong target ng grupo ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. RNT/SA