CIIF-OMG Director, kinasuhan ng kasong administratibo at kriminal sa Ombudsman

CIIF-OMG Director, kinasuhan ng kasong administratibo at kriminal sa Ombudsman

July 10, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sinampahan ng kaso ng CIIF-OMG Chairman na si Eddie P. Delima at apat pang mga Direktor si Director Rehan Balt Lao sa tanggapan ng Ombudsman.

Si Lao ay inakusahan ng mga pagpapanggap bilang Pangulo ng CIIF-OMG sa kanyang social media account at sa paglabag sa RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard for Government Officials and Employees dahil sa hinde pag sumite ayon sa takdang panahong na ipinag-uutos ng batas.

Si Lao ay may apat na buwan mula Enero hanggang sa katapusan ng Abril ng taong 2018. Subalit di nya ito ginawa sa tamang panahon.

Dahil sa mga kasong administratibo at kriminal, si Lao ay maaaring masuspende ng Ombudsman hanggang isang taon at mahatulan sa pagkakabilanggo ng limang taon.