Cimatu: DENR nasa tamang landas upang makamit ang 2021 target kahit na may pandemya

Cimatu: DENR nasa tamang landas upang makamit ang 2021 target kahit na may pandemya

July 14, 2021 @ 4:44 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Positibo pa rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maabot nito ang 10-point priority environmental agenda para sa 2021 kahit na may mga sagabal dulot ng pandemya.

“True, there are key activities under the DENR’s 10 priority programs that have been stalled or slowed down due to COVID-19 restrictions, but many of these targets have been accomplished already beyond expectations,” saad ni Secretary Roy A. Cimatu sa ginanap na mid-year assessment ng DENR’s priority programs noong Hulyo 5.

Sa press release sinabi ng DENR na ginanap ng DENR ang assessment ng 10-priority programs kabilang na dito ang— Enhanced National Greening Program (ENGP); Manila Bay Rehabilitation; Forest Protection and Anti-illegal Logging program; Clean Air; Clean Water; Solid Waste Management; Enhanced Biodiversity Conservation; Scaling-up of Coastal and Marine Ecosystem; Geo-Hazard, Groundwater Assessment and Responsible Mining; and Improved Land Administration and Management—sakop ang petsa mula Enero hanggang Mayo 2021.

Bagama’t may mga hadlang dulot ng “restricted conditions,” sinabi ni Cimatu na pito na rehiyon ang nakapagsagawa ng plantation establishment activities sa ilalim ng eNGP.

Kabilang dito ang 17,696 family-beneficiaries para sa pagtatanim at pagpapanatili ng humigit-kumulang na 1.97 million seedlings.

“Although hampered by the health protocols and travel restrictions brought about by the COVID-19, the implementation of eNGP is on track in most of the regions,” paliwanag ni DENR Undersecretary for Field Operations and Environment Juan Miguel Cuna.

Kaugnay nito binigyang-diin nito na 98 percent ng total annual target area ang nakatakdang magkaroon ng plantation establishment sa third quarter kung kailan handa na ang mga seedlings para itanim.

Iniulat din ni Cuna na nagkaroon ng 923 “apprehensions” ang DENR laban sa illegal logging na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 1,444 sako ng uling, 721,500 board feet ng undocumented forest products na nagkakahalaga ng P24.7 million, at may 400 conveyances at implements.

Samantala bukod dito, sa pamamagitan ng Lawin Forest and Biodiversity Protection System, 53,040 kilometers o 61 percent ng annual target na 86,868 kilometers ang nabantayan ng 3,532 forest patrollers.

Ito ay nagresulta sa pagkatuklas ng 3,367 “potential illicit activities,” kung saan ay 1,479 na kaso ang itinuturing na “requiring post-patrol responses” at narespondehan ng grupo na nai-dispatch mula sa pinakamalapit na DENR field offices.

Magugunitang naipasara na rin ng DENR ang lahat ng 335 open dumpsites sa bansa kung saan ay lumampas ito sa target na 219 dumpsites ng 152.97 percent at nagsasagawa rin ng inspection at monitoring sa 519 treatment, storage at disposal facilities na nakarehistro mula sa buong bansa o 390 percent ng annual target na 133.

Para naman sa land management, umabot sa 11,167 agricultural at 7,902 residential patents ang naisyu kung saan ay lumampas ito sa annual target ng may 277.57 at 110.92 percent mula sa 4,023 at 7,124, ayon sa pagkakasunod.

“We are on our way towards the completion of our mission and those challenges did not deter you from giving your share in moving our 10 priority programs,” sabi ni Cimatu sa DENR officials at sa may 650 field officers na sumali sa virtual event.  Santi Celario