Cimatu: Environmental law enforcement summit ikakasa

Cimatu: Environmental law enforcement summit ikakasa

July 14, 2021 @ 6:40 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Department of Environment and Natural Resources ng National Environmental Law Enforcement (NELE) Summit sa Hulyo 14, hanggang 16, 2021 para maipabatid sa publiko ang kanilang ginagawang pagsugpo sa environmental crimes.

Sa press release, sinabi ni Environment Secretary Roy A. Cimatu, ang pagsasagawa ng NELE summit ngayong may health crisis ay “a good opportunity to revisit the environmental law enforcement (ELE) components to make sure they are updated, and to make sure that the policies are relevant and timely.”

“There could never be a much better time for holding the NELE summit, as it is during this quarantine that we have more challenges in apprehending environmental law violators who are taking advantage of the immobility and lesser resources that we have,” saad ni Cimatu.

Ito rin ay “especially significant, especially when most ENR laws are already 20 years old and older, and during this time that the agency gears up for the creation of an Enforcement Bureau,” ayon pa sa kalihim.

“The previous NELE Action Plan has already expired last 2020. With this summit, we hope to create a new Action Plan that would serve the needs of the ever-changing and evolving modern society,” sabi ni Cimatu.

Ayon sa DENR sa temang “Sustaining inter-agency collaborations for intensified ELE towards a better environment amidst pandemic,” ang NELE summit ang magiging lugar upang magkaroon ng update ang mga makabagong developments sa ELE tulad ng mga bagong batas at polisiya, implementing guidelines, programs, tools at technologies.

Sinabi pa ng DENR na ito rin ang lugar upang matiyak ang patuloy na koordinasyon at kooperasyon ng mga ahensiyang sangkot at pagbibigay ng pagkilala sa partner-agencies at institusyon maging sa mga indibidwal.

Sa gaganaping summit, inaasahan na ang mga lalahok ay magbabahagi ng major highlights or milestones on ELE for the last 15 years ng kanilang mga agencies at branches; identify the contribution of the agencies in mainstreaming environmental and natural resources protection in the national strategies and policies; and formulate responsive strategies that will expedite actions for urgent ENR concerns in support of Philippine development.”

Kaugnay nito inaasahan din na makatatanggap ng impormasyon sa kalagayan ng kapaligiran, partikular ang kondisyon ng kagubatan at protected areas kabilang na dito ang kuweba at wildlife resources, urban environment at marine at coastal areas kasama na dito ang fishery resources, repasuhin ang mapipiling ELE technologies at matukoy ang mga kinakailangang pagbabago upang makasabay sa napapanahong pangangailangan at pagbabago sa pagpapatupad ng batas; at mapag-aralan ang implementasyon at i-update ang ELE action plan. Santi Celario