Cimatu nagbitiw na sa pwesto

Cimatu nagbitiw na sa pwesto

February 18, 2022 @ 5:10 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni Roy Cimatu bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa health reasons.

Si Undersecretary Jim Sampulna naman ang itinalaga bilang Officer-in-Charge ng departamento.

“We wish Secretary Cimatu good health as he transitions from his decades-long and stellar service in government to private life,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Samantala, “yes” naman ang naging sagot ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa isang text message nang tanungin at kumpirmahin mula rito ang pagbibitiw ni Cimatu sa puwesto. Kris Jose