CIMATU NAGPAPASALAMAT KAY PRRD SA BIDA BILL

CIMATU NAGPAPASALAMAT KAY PRRD SA BIDA BILL

August 1, 2020 @ 11:01 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Pinuri ni Environment Secretary Roy A. Cimatu si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panawagan nito sa Kongreso na ipasa ang Boracay Island Development Authority (BIDA) upang mapanatili ang ginagawang rehabilitasyon sa kilalang isla sa mundo.

Nagpasalamat si Cimatu sa Pangulo sa pag-endorso ng BIDA bill sabay sabi na malaki ang maitutulong nito upang matiyak ang napapanahon at agarang pagpasa ng mga hakbangin na isinusulong ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“We express our sincerest gratitude to the President for his endorsement of the BIDA bill,” sabi ni Cimatu.

“This is the opportune time to pass a law creating a permanent agency to sustain the gains achieved by the BIATF, which term has been extended for only one year or until April 2021.”

Kamakailan ay inilabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) 115 na nagpapalawig sa BIATF ng isang taon pa.

Ang Task Force ay nagtapos noong Mayo 8, 2020 o dalawang taon matapos itong buuin noong 2018 sa bisa ng EO 53.

“It is the tacit duty of the Task Force to ensure that Boracay does not backslide and slip to a state of environmental degradation especially with all the hard work, cooperation and concern shown by all stakeholders,” dagdag pa ni Cimatu.

Sa kanyang katatapos na State of the Nation Address, nanawagan si Pangulong Duterte sa Kongreso na ipasa ang BIDA bill dahil sa kagustuhan nitong maibalik ang isla sa dati nitong ganda at linis.

“For the rest of my term, I hope to see concerted efforts in protecting the environment. The rehabilitation of Boracay island showcased our reserve to safeguard the environment,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.

Noong Hunyo 11, naglabas ng resolusyon ang BIATF na nag-apruba sa draft BIDA bill at nag-e-endorse sa Kongreso.

Batay sa resolusyon ng BIATF, ang pagbuo ng BIDA ay naglalayong maisulong at mapabilis ang likas-kaya at balanseng pag-unlad ng Isla ng Boracay, alinsunod sa pangangailangang mapanatili ang ecological balance sa pangangalaga at  pagpapahusay ng kalidad ng kapaligiran.

Sa ilalim ng draft bill na inihanda ng BIATF, ang BIDA ang gagawa ng  mga polisiya, plano, programa at proyekto para sa rehabilitasyon, preserbasyon at pagpapaunlad sa Isla ng Boracay.

Nakatutok ang panukalang balangkas sa pagpapaunlad ng Boracay bilang isang self-sustaining na komersyal, pinansyal, pamumuhuan at sentro ng turismo upang makalikha ng trabaho, makaakit ng lokal at dayuhang mga turista at maisulong ang produktibong pamumuhunan.

Upang maisakatuparan ang mga ito, kailangang ikonsidera ng BIDA ang pangangalaga at pagpapanatili ng likas na yaman at biodiversity ng island paradise na ito.

“The BIATF version of the bill envisions the BIDA as a regulatory body to ensure the environmental sustainability of the island and where the local government unit will retain its taxing authority,” pahayag ni DENR Director at Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) General Manager Natividad Bernardino.

Gayunpaman, nilinaw ni Bernardino na ang BIDA ay hindi magiging isang government-owned and controlled corporation gaya ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Ang 11-miyembrong BIDA Board ay pamumunuan ng DENR Secretary habang ang mga Kalihim naman ng Department of the Interior and Local Government at Department of Tourism ang magsisilbing Vice-Chairs.

Kabilang sa mga magiging miyembro ang mga Kahilim ng Department of Public Works ang Highways, Department of Health at Department of Justice; Gobernador ng Aklan; Alkalde ng Malay; dalawang kinatawan mula sa pribadong sektor na mula sa Aklan at BIDA General Manager na itatalaga ng Pangulo.

Comments (4)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...