Cimatu tiniyak ang proteksyon sa kapaligiran kahit may pandemya



Cimatu tiniyak ang proteksyon sa kapaligiran kahit may pandemya

June 10, 2021 @ 7:09 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ni Environment Secretary Roy A. Cimatu na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte aabot sa 100% na illegal operating dumpsites sa buong bansa ang naipasara dahil sa paglabag sa ating batas sa kapaligiran.

Ginawa ni Cimatu ang pahayag sa 34th Anniversary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ipinagmalaki na sa tatlong (3) presidente bago ang administrasyon ni Pangulong Duterte ay nabigong makamit ang hinihinging kalidad ng ecological solid waste management act of 2000.

Sa inspirational speech ni Cimatu sa DENR 34th Anniversary celebration kanina June 10, 2021 (via zoom) sinabi nito sa 15 buwan ng Covid-19 pandemic na gumambala sa ating bansa patuloy ang pagtatrabaho ng mga tauhan at opisyal ng DENR upang protektahan ang ating kapaligiran at kalikasan.

Ipinagmalaki rin ng Environment Secretary na ang ating hangin nalalanghap ay malinis at nasa standard sa pm10 at pm2.5, habang ang 43 na priority rivers na sinusubaybayan ng ahensya noong 2020,  ay malapit na sa 75 percent ng water quality standard para sa biological oxygen damand.

“Hindi biro ang accomplishment na ito!   the closure of 335 illegal dumpsites in the Philippines is a victory for the environment and the DENR,”  ayon pa kay Cimatu.

Idinagdag nito na ang DENR sa pamamagitan ng  Environmental Management Bureau  ay naisagawa ang pagtatayo ng coalition of solid waste management providers, ang kauna unahang sa kasaysayan ng DENR  upang matipon ang lahat ng sanitary landfill operators, para sa isang mabuting  solid waste management  bansa.

Kaugnay nito sinabi pa ng DENR chief na salamat sa ating mga empleyado at opisyal na nagpursige  upang matugunan ang solid waste problem ng bansa, laluna sa ating pambansang basurero na si Usec Benny Antiporda.

Idinagdag pa ni Cimatu na ang Boracay Island ay mas mabuti na ngayon matapos ang rehabilitasyon na nagdala dito tungo sa heaven and earth upang maibalik ang ecological integrity ng isla sa pagsisikap ng upang maibalik ang ganda ng dalampasigan. (Santi Celario)


  •  
  •  
  •