City of San Fernando itataas sa GCQ

City of San Fernando itataas sa GCQ

July 8, 2021 @ 10:54 AM 1 year ago


LA UNION- Nakatakdang itaas sa General Community Quarantine (GCQ) ang lungsod ng San Fernando ngayong darating na July 9, 2021.

Ito ay matapos na aprobahan at pirmahan ni La Union Governor Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III ang Executive Order No. 30, series of 2021.

Ang naturang aksyon ay ginawa ng Provincial Government ng La Union (PGLU) bilang tugon sa kahilingan ni San Fernando City Mayor Hermenegildo Gualberto na isailalim ang lungsod sa GCQ mula sa pagiging MGCQ  dahil  sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ang GCQ ay magsisimula ng July 9 at magtatagal hanggang July 22, 2021. Rolando S. Gamoso