City Treasurer sa Maguindanao, utas sa riding in tandem

City Treasurer sa Maguindanao, utas sa riding in tandem

July 17, 2018 @ 6:17 PM 4 years ago


 

Cotabato, Maguindanao – Isang lalaki na umanoy hepe ng City Treasury department sa Cotabato, Maguindanao ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa matukoy na mga salarin sa bahagi ng mataong lansangan sa nabanggit na lugar.

Nakilala ang biiktima na si Tato Gumbila, 40, residente ng Don E. Sero Street, Barangay Rosary Heights V, Cotabato City at municipal treasurer ng Mother Kabuntalan, Maguindanao.

Sinabi ni Police Senior Supt. Rolly Octavio, city police director, minamaneho umano ni Gumbila ang kanyang kotse sa bahagi ng Sinsuat Avenue nang ito ay harangin at paputukan ng dalawang armadong suspek na lulan naman sa isang motorsiklo ganap na alas 7:30 ng umaga.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tatlong tama ng bala ng baril mula sa isang .45 pistola.

Personal na alitan o “rido” (family feud) ang umanoy tinitingnan motibo ng pulisya sa pananambang sa biktima.

Tinutugis pa hanggang sa kasalukuyan ang suspek at nasa likod ng pagpaslang sa biktima. (Jeff Gallos)