Civil servants ‘required’ maging neutral sa Halalan 2022- Malakanyang

Civil servants ‘required’ maging neutral sa Halalan 2022- Malakanyang

December 14, 2021 @ 5:06 PM 10 months ago


MANILA, Philippines-Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga government workers na maging “neutral” sa kanilang tungkulin kahit pa sa panahon ng 2022 election season.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ito ang ibig sabihin ng naunang pahayag ng Pangulo na ang administrasyon ay mananatiling “neutral” sa panahon ng 2022 polls.

“Lahat naman ng  civil servants, lahat naman ng workers in government are required to be neutral sa eleksyon. So ‘yun lang po yung reminder ni Pangulong Duterte sa lahat ng mga civil servants is to remain neutral during elections,” ayon kay Nograles.

Nakasaad sa Section 2(4), Article IX-B ng 1987 Constitution na “no officer or employee in the civil service shall engage, directly or indirectly, in any electioneering or partisan political campaign.”

“Engaging in partisan political activity refers to an act designed to promote the election or defeat of a particular candidate or candidates to a public office,” ayon sa ulat.

Gayunman, hindi naman hahadlangan ng probisyon ang isang civil servant mula sa pagpapahayag ng kanyang pananaw hinggil sa kasalukuyang problema sa politika o isyu o mula sa pagbanggit ng pangalan ng mga kandidato na kanyang sinusuportahan.

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ng Chief Executive na ang kanyang administrasyon ay nananatiling “neutral” sa panahon ng 2022 polls.

“This early, I’d like to just – magbigay lang ng payo that when it comes to the elections, government, the administration will stand neutral. Neither for or against kami, kalaban o kasama sa partido , we will participate in the exercise of that right,” ayon sa Pangulo.

Hindi naman idinetalye ni Pangulong Duterte kung ano ang ibig niyang sabihin sa “neutral” subalit nangako na magiging mapayapa ang nalalapit na halalan.

“We will see to it that there will be no terrorism, vote buying, at intimidation and everything that would put a hindrance to an honest election,” dagdag na pahahag nito. Kris Jose