CJ De Castro, may ‘pabaon’ sa mga katrabaho bago umalis sa SC

CJ De Castro, may ‘pabaon’ sa mga katrabaho bago umalis sa SC

October 8, 2018 @ 2:23 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinasalamatan sa huling pagkakataon ni outgoing Chief Justice Teresita De Castro De Castro ang mga kapwa mahistrado at mga empleyado ng Supreme Court na nakasama niya sa higit na 45 taong serbisyo sa Philippine Justice system.

Sa naganap na flag raising ceremony kanina, binigyan ng arrival honor si De Castro ng mga opisyal at empleyado ng SC.

Sa kanyang talumpati, masayang ibinalita ni De Castro na inaprubahan niya ang salary increase para sa mga staff ng first level courts.

“We have upgraded the salary of our first-level courts, in keeping with the heavy responsibility that they perform.”

Inaprubahan din niya ang pagbibigay ng overtime pay sa mga stenographers at iba pang court employees na tumutulong sa mga pagdinig ng mga kaso.

“I’ve tried my best so that my presence would be most felt not only for members of the court but also judges nationwide,” dagdag pa ni De Castro.

Nanungkulan lamang ng halos 2 buwan si De Castro. Pinalitan niya si ousted CJ Maria Lourdes Sereno.

Bukas (October 9) ang huling araw ni De Castro sa trabaho kung saan magpe-preside siya sa oral arguments sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Binuksan naman ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa susunod na magiging Chief Justice noong September 29. Remate News Team