CJ Gesmundo sa OFWs: Ambulance chasers kasuhan

CJ Gesmundo sa OFWs: Ambulance chasers kasuhan

November 9, 2022 @ 8:13 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na magsampa ng mga reklamo laban sa mga abogado na ambulance chasers o nanghihimok sa mga kliyente na ituloy ang mga claim.

Babala pa ni CJ Gesmundo na walang puwang ang mga pasaway na Bar members sa justice system ng bansa.

“If you’ve seen that some of our OFWs and workers are being exploited by these ambulance-chasing lawyers, you are not estopped from filing a complaint with the Court or with the Integrated Bar of the Philippines,” ani Gesmundo.

“And then we can take action. But we want to make sure that the complainants are ready to provide evidence,” giit pa niya.

Ang pahayag ay ipinabatid ng Punong Mahistrado sa pakikipagpulong kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Maria Susan Ople at iba pang opisyal.

Sa kanyang bahagi, binigyang-diin ni DMW Assistant Secretary Jerome Pampolina na ang mga abogado na humihimok sa mga OFW na maghain ng mga claim ay isang tunay at kagyat na problema.

Iminungkahi niyang paigtingin ang mga hakbang upang maitanim ang disiplina sa mga abogado laban sa lahat ng hindi etikal na gawain.

Samantala, sinabi ni Gesmundo na nakikipagtulungan ang Korte sa DMW para makipag-ugnayan sa mga OFW at kanilang mga pamilya upang matiyak na makukuha nila ang hustisya. RNT