CJ sa mga hukom sa bansa: I got your back!

CJ sa mga hukom sa bansa: I got your back!

September 30, 2022 @ 7:37 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo na handa nitong depensahan ang lahat ng hukom sa bansa mula sa anomang uri ng banta at harassment.

Sa kaniyang talumpati sa Annual Convention of the Metropolitan and City Trial Judges Association of the Philippines (METCJAP), binigyan diin ng punong mahistrado na seryoso ang hudikatura sa pagprotekta sa kanilang mga frontliner.

While it is our constitutional duty to supervise our lower courts, it is our moral duty to protect each of you and ensure that you are able to perform your duties free from any threat, harassment, undue influence, coercion, and, certainly, any form of violence. You can count on us,” ani Gesmundo.

Inihalimbawa ng Chief Justice ang desisyun ng SC kamakailan kung saan inihayag nito na dapat otomatikong ibasura ang kasong administratibo laban aa isang hukom hanggat mayroon makukuhang judicial remedy ang complainant.

Ang desisyun aniya nito ng SC ay para mapag aralan at maberipika kung ang complainant ay may palatandaan ng pagkakaroon ng harassment at undue influence laban sa judge.

Samantala, hinikayat ni Gesmundo ang mga judge at kawani sa hudikatura na baguhin na ang mindset nito sa gitna ng mga gagawing pagbabago sa hudikatura partikular ang digitalization at automation ng hudikatura. Teresa Tavares