Claire dela Fuente, pumanaw sa edad na 63

Claire dela Fuente, pumanaw sa edad na 63

March 30, 2021 @ 1:19 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umaga nitong March 30, Martes nang pumanaw ang dating Jukebox Queen na si Claire dela Fuente.

She was 63.

Ayon sa kanyang mga kaanak, cardiac arrest ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kinumpirma rin ito ng kanyang anak na si Gigo.

Aniya, naospital ang kanyang ina dahil nagpositibo sa COVID-19.

Si Claire ay sumikat noong dekada sitenta alongside other Jukebox Queens Imelda Papin, Eva Eugenio at Didith Reyes.

Si Claire ang ina ng isa sa mga idinadawit sa pagkamatay ni Christine Dacera noong January 1 ng kasalukuyang taon.

Nagpaabot naman ng condolence ang ina ni Christine na si Ginang Sharon Dacera.

“The lord God is the most high. He is our creator and saviour.

“God is always in control…

“It’s so hard to lose a loved one. I can feel what they feel po. My condolence to their family too,” pahayag ni Sharon Dacera.

Maging si Valentine Rosales na dawit din ay inilarawan si Claire hindi lang bilang ina nila kundi bayani. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •