Clarkson, Fajardo, Sotto isasabak sa OQT

Clarkson, Fajardo, Sotto isasabak sa OQT

February 28, 2021 @ 6:28 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Hindi umano papahuli at patatalo ang Pilipinas  kontra sa malalakas na teams sa pagsabak nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Serbia sa June at bubuuin nito ang Gilas Pilipinas Dream Team.

Inaasahang isasama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa roster ng tinatawag na Gilas Pilipinas Dream Team sina June Mar Fajardo, teen tower Kai Sotto o kaya ay si NBA star Jordan Clarkson sakaling hindi makapasok ang Utah Jazz sa playoffs.

“Kai is always welcome to join Gilas,” ani ng SBP lalo pa target ng Pilipinas na buuin ang pinakamagaling na team na isasabak sa OQT.

Hiningi ng SBP ang buong suporta ng PBA at ng 12 ball clubs para sa bubuuing team na isasabak sa Serbia mula June 29 hanggang July 4 dahil tatama ito sa schedule ng Philippine Cup na planong simulan sa Abril.

“We will be coordinating with the PBA to plot our plans moving forward,” ani ng SBP na umaasa rin na naisabatas na ang naturalization ni Angelo Kouame bago sumabak ang Gilas sa Serbia.

Nakuha ng Pilipinas ang slot sa OQT nang umatras ang New Zealand sa torneo sa Belgrade dahil sa problemang dala ng COVID-19 pandemic.

Mahaharap sa matinding laban sa OQT ang Gilas kontra sa world No. 5 at host Serbia at No. 19 Dominican Republic.  No. 12 Italy, No. 18 Puerto Rico at No. 35 Senegal.

Tanging ang top team ang makapapasok sa Tokyo Olympics na nakatakda sa July. Rico Navarro


  •  
  •  
  •