Clarkson, Kai lalaro sa susunod na World Cup qualifiers – Chot

Clarkson, Kai lalaro sa susunod na World Cup qualifiers – Chot

July 21, 2022 @ 2:04 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ni coach Chot Reyes na pipilitin nilang maglaro si Jordan Clarkson at Kai Sotto sa Gilas Pilipinas sa susunod na World Cup qualifiers matapos lumagapak ang bansa sa ika-siyam na pwesto sa 2022 FIBA Asia Cup.

Ayon sa head coach at direktor ng programa ng SBP na si Reyes, umaasa siyang makabubuo ng isang malakas na koponan na pangungunahan ng dalawa sa ikaapat na window ng 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers ngayong Agosto.

“We also have word that Jordan Clarkson is coming. Hoping to join the team as well to play on the 25th and the 29th [of August]. Sana ay magawa ni Kai Sotto this time,” ayon sa six-time PBA Coach of the Year.

Dismayado si Reyes sa naging resulta ng laro ng Gilas kung saan nanalo lamang ito ng isang beses sa apat na laro sa continental showpiece na itinuturing na pinakamasamang pagtatapos sa bansa sa loob ng 15 taon.

Si Clarkson, dating NBA Sixth Man of the Year awardee sa Utah Jazz, ay naglaro sa Gilas noong 2018 Asian Games sa Kuala Lumpur, habang si Sotto ay huling naglaro para sa pambansang koponan noong Pebrero window sa Pilipinas.

Bukod sa dalawa, inaasahan ni Reyes na palakasin ng mga manlalaro ng PBA ang roster kung saan inaasahang nasa semifinal stage na ang nagpapatuloy na Philippine Cup.

“We will have some PBA players available because the PBA players will be then be in the semifinals or approaching the finals already so there will be already some players available. Very thankful for the PBA for allowing us, londing us those players,” wika nito.

Ipinarada ng Gilas ang isang batang crew para sa Jakarta tilt, kasama ang mga import ng B.League na sina Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, at Bobby Ray Parks, gayundin ang big man ng TNT na si Poy Erram na pinalakas ang isang crew na puno ng mga collegiate studs tulad nina Carl Tamayo, Rhenz Abando, at Kevin Quiambao.JC