Clarkson stay put sa Jazz

Clarkson stay put sa Jazz

October 19, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


NEW JERSEY – Mananatili si Filipino-American guard Jordan Clarkson sa Utah Jazz, sa kabila ng trade rumors,  sa muling pagsabak ng koponan sa bagong season ng NBA.

Maraming tagahanga sa organisasyon ng Utah ang 30-anyos na guwardiya kung saan nangunguna rito ang may-ari ng Jazz na si Ryan Smith.

Nagtangka ang Los Angeles Lakers na bawiin si Clarkson, ngunit nilinaw ng Jazz na walang intensyon si Smith na i-trade siya ang manlalarong may dugong Pinoy.

Maging ang  Phoenix Suns ay nais ring makuha si Clarkson at ipapalit sa kanya si dating Jazz Jae Crowder, ayon sa insider.

Inaasahang sisimulan at pupunuin ni Clarkson ang shooting guard spot na iniwan ni Donovan Mitchell, na na-trade sa Cleveland Cavaliers.JC