Claudine at Marjorie, ayos na pero hindi nag-usap!

Claudine at Marjorie, ayos na pero hindi nag-usap!

January 3, 2022 @ 2:18 PM 7 months ago


Subic, Zambales – Bati na ang magkapatid na Claudine Barretto at Marjorie Barretto. .

Bati na pero parang ‘di man lang sila nag-usap, ‘di nagpalitrato na magkatabi, at ‘di rin nagpa-video sa New Year’s party ng mga Barretto nu’ng January 1.

Ang bale ebidensya lang na bati na sila ay ang pagpayag nila na dumalo sa New Year’s party ng ilan sa magkakapatid na Barretto sa bahay nila sa Subic, Zambales.

Actually, ipina-video ni Claudine ang sarili niya sa backyard ng bahay habang tumutulong siya sa pagse-set up ng food and drinks para sa party. Si Claudine ang nag-post ng video sa kanyang Instagram, at ang nabanggit lang n’yang kapatid na nandu’n na sa oras na ‘yon ay ang isa sa mga kapatid n’yang lalake na si Miro, pati na ang misis nitong si Conie.

Mga anak ni Marjorie ang marami sa video, at lahat naman sila ay obvious na nagagalak sa presence ng kanilang tiyahin. Isa sa mga nandu’n ay ang singer na si Claudia, isa sa mga anak na babae ni Marjorie. Kasama ni Claudine ang anak n’yang si Sabina.

Naglabas din later on sa respective Instagrams nila ang mga anak na lalake ni Marjorie at sa dalawang magkahiwalay na litrato ay kasama si Claudine at du’n naman sa isa ay si Marjorie.

Walang nabanggit sa iba pang media and website reports later on kung dumating sa piging na ‘yon sina Gretchen Barretto at Julia Barretto, at ang matriarch ng mga Barretto  na si Inday.

Mukhang masaganang piging naman ang naganap batay sa mga nakahaing pagkain na ipina-video ni Claudine bago magsimula ang party.

Yumao na nu’ng 2019 ang ama ng mga Barretto na si Miguel. Sa burol nito nagkagalit at nagpang-abot sina Claudine at Marjorie (at naganap ang insidente habang nandu’n si President Duterte na kaibigan ni Gretchen).

Dahil dumalo na sa family event sina Claudine at Marjorie, siguro naman ay unti-unti na silang magiging malapit uli sa isa’t isa ngayong 2022. Danny Vibas