Claudine Baretto dinemanda si Raymart Santiago sa ‘di pagsuporta sa mga anak

Claudine Baretto dinemanda si Raymart Santiago sa ‘di pagsuporta sa mga anak

November 20, 2020 @ 4:12 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagsampa ng kaso si Claudine Barretto laban kay Raymart Santiago sa hindi pagsuporta nito sa kanilang dalawang anak ayon sa abogado ng aktres.

“Hindi nagbibigay ng sustento si Raymart. Ang tagal na,” ayon kay legal counsel Ferdinand Topacio.

“Nagbibigay siguro, P14,000 a month, ganun. Tapos, wala na.”

Sasampahan ito ng kasong “economic abuse” at paglabag sa Against Women and their Children Act o Republic Act 9262.

Nagsampa ito sa Marikina City Prosecutor’s Office at nakatakda ang pagdinig sa Disyembre 10.

Matatandan nitong 2013 nang maghiwalay ang mag-asawa matapos ang siyam na taong pagsasama.

Mayroon silang dalawang anak na sina Sabina, 16 taong gulang, at Santino, 13 taong gulang. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...