Claudine, ipinaubaya na kay Raymart ang annulment!

Claudine, ipinaubaya na kay Raymart ang annulment!

August 28, 2022 @ 8:38 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Kung ilarawan ni Claudine Barretto ang annulment process sa kanila ni Raymart Santiago ay back to square one.

Taong 2013 nang maghiwalay ang dalawa pagkatapos ng siyam na taon ng pagsasama.

Ayon sa inilabas ng PEP na nakainterbyu sa aktres, puro raw mga abogado nila ni Raymart ang nag-uusap.

Matagal na rin daw silang hindi nag-uusap.

Claudine sees no possible reconciliation on the horizon.

Sinubukan daw niya kasing magkasundo sila, pero hindi naging epektibo.

Sa ngayon, ipinauubaya na lang daw niya kay Raymart ang kahihinatnan ng kaso.

Aniya, “Siya ang pinag-file ko. Alangan namang ako ang gumastos sa laki ng nakuha niya sa akin?! Diyos ko!”

Not even daw for the sake of their kids Sabina and Santino ay open ang aktres sa pakikipagsundo.

“Bahala na siya!” paglilinaw ni Claudine.

Ang huling ulat sa estranged couple ay hindi raw nasusunod ni Raymart ang napagkasunduan sa korte kaugnay ng hinihinging suporta ni Claudine para sa kanilang mga anak.

Kung susumahin, their case has been dragging in court for so long. Ronnie Carrasco III