Claudine, kumpirmadong nasa AMBS na!

Claudine, kumpirmadong nasa AMBS na!

August 29, 2022 @ 8:12 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa October 1 na nakatakdang mag-full blast ang Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS na pag-aari ni dating Senator Manny Villar.

Sa kasalukuyan, mismong si Willie Revillame ang nagsabi na nasa proseso pa sila ng pagkuha ng mga artistang aanib sa nasabing network.

Because of his long years of friendship with the Villars, Willie holds a top position in AMBS.

Bagama’t hindi pa inaanunsyo ni Willie kung sinu-sino ang mga artista ang lilipat sa network, mismong si Claudine Barretto na ang umamin na kumpirmadong she’s joining AMBS.

Aniya, nakikipag-usap na raw ang kanyang manager na si Arnold Vegafria regarding her transfer.

Asked which type of program she will appear in, sinabi ni Claudine na posibleng isang teleserye ‘yon.

Nami-miss na raw niya kasing lumabas sa ganoong tipo ng panoorin.

To her credit, back in ABS-CBN ay binansagang soap opera royalty ang aktres.

Wish ni Claudine na makasama sa AMBS si Piolo Pascual, Diether Ocampo o Aga Muhlach na dati na rin niyang nakatrabaho.

Kung paggawa naman ng pelikula, sana raw ay matuloy na ang Florence (in Italy) project nila ni Piolo na na-shelve dahil sa pananalasa ng pandemya two years ago.

Aside from Claudine, sino pa kaya ang na-recruit ni Willie?

Abangan! Ronnie Carrasco III