Claudine, may pa-cake kay Rico, di pa rin maka-move on!

Claudine, may pa-cake kay Rico, di pa rin maka-move on!

March 17, 2023 @ 6:40 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- It’s been 21 years since Rico Yan left this mortal world.
Pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimutan na siya.

Sa katunayan, buhay na buhay ang alaala ng former matinee idol as immortalized by his ex-girlfriend Claudine Barretto’s sweet gesture para alalahanin siya.

Muli, hindi pumalya si Claudine sa pag-alala kay Rico who celebrated his birth anniversary nitong March 14.

Rico would have turned 48.

Matatandaang Holy Week noong 2002 nang ikinagulat ng showbiz ang pagkamatay ni Rico while at a resort in Palawan.

Saksi noon ang kaibigang Arnold Clavio sa pangyayari.

Bilang paggunita sa kaarawan ni Rico, may inihandang birthday cake si Claudine.

With the cake came a message which reads: “Happy birthday in heaven Ry. You will be missed, loved and remembered.”

Previously, hindi nagmimintis si Claudine na dalawin ang puntod ni Rico.

Ilan sa mga blockbuster movies na pinagsamahan nina Claudine at Rico ay Got 2 Believe, Dahil Mahal Kita, Flames at marami pang iba sa ilalim ng Star Cinema.

Hinding-hindi makakalimutan ang pagkausap ni Claudine sa nakaburol na bangkay ni Rico over the phone.

Hinihinalang hiwalay na noon ang magkasintahan at the time of Rico’s death.

Balitang ang nobyo noon ni Claudine ay si Raymart Santiago who later became her husband.

Bukod kay Rico’y naging kasintahan din ni Claudine si Mark Anthony Fernandez. Ronnie Carrasco III